(New) ‘Ang Latest’ Ang Bagong Showbiz Talk Show Ng TV5

BY SMR

Simula Sabado, Agosto 4, magkakaroon ng bago at mas-fresh na entertainment show ang Kapatid Network.

Ang Latest Updateday magsisimula sa ika-10:30 ng umaga.

Sina Cristy Fermin, Mr. Fu, Amy Perez at Lucy Torres-Gomez ang main hosts ng nasabing palabas. Tatalakayin nila ang lahat ng latest chika sa inyong mga paboritong artista.

Kalahating-oras lang ang Ang Latest Updated pero kung nabitin ka sa tsismis at balita, magkakaroon din ng Ang Latest Up-To-The-Minute.

Series ito ng mga interstitials kung saan ihahain ang pinakamainit na chika sa loob ng isang minuto. Ipapalabas ito araw-araw.

Ang Latest Up Latenaman ang papalit sa dating timeslot ng Juicy na magtatapos na rin sa Sabado.

Punung-puno ang thirty minutes ng programang ito ng pinakabagong balitang showbiz mula Lunes hanggang Biyernes.

Tumutok na sa TV5 para malaman mo kung ano Ang Latest!

Add your comment

Your name:
Subject:
Comment: